Sunday, February 23, 2014

BOOK REVIEW: Love In A New York Minute

Photo courtesy of Bookware Publishing Corporation

TITLE: Love In A New York Minute
AUTHOR: Elise Estrella
FROM: My Special Valentine
PAGES: 96
RELEASED: 2013

Sa loob-loob ni Mason ay may namumuong protective at possessive instinct para sa kanyang maganda, hot at mabangong housekeeper. Mali iyon, pero hindi niya mapigilan. At bakit niya kailangang pigilan, siya lang naman ang nakakaalam niyon?

Isa pa, hindi lang hot si Hannah, she was also sweet at alam niyang gusto na nito ang kanyang pamilya kahit sa sandaling pagkakasama nila. Noong una pa lang, gusto na niya ito.


Pero hindi siya naniniwala sa love at first sight. Wala namang na-i-in love nang ganoon kabilis. 

No one could fall in love in a New York minute. Especially not someone like him….

ANG MGA NAGUSTUHAN KO:

  • The style of page number sa book with the logo of Romancing the Globe. Ang cool lang.
  • The setting! Of course, I want to go to New York someday. Lalo na kung Pasko, na there will be a white Christmas.  The snow was falling, people wearing scarves, at umuusok pa ang bibig habang nagsasalita sila...
  • Fireman ng FDNY ang hero ng story na si Mason McKendrick. Kasamang namatay ang ama nito na isa ring dating bumbero nang gumuho ang World Trade Center. I like the fact that the character has a connection with a historical event.
  • The way the heroine describe the gorgeousness of the physical looks of the hero is kinda impressive for me.
Irish, American, Pinoy. Ang ganda pala ng kalalabasan kapag pinaghalu-halo ang tatlong lahi na iyon. (pg. 51)

  • Nasa tapat ng condo ni Mason ang Central Park. Pangarap ko rin sana ito... haha
  • Desire and subtle lust were present on the first meeting between Mason and the heroine, Hannah Velasco. Ipinapakita sa readers ang atraksyon sa pagitan ng dalawa sa pamamagitan ng kanilang trail of thoughts.
  • Trail of thoughts palang, sobrang hot na kung babasahin mo, what more pa kaya kung ipakita na ang desire ng dalawang ito through actions? Hehe
Gusto niya ang aplikante. Bilang housekeeper, of course. Hindi dahil maganda ito at maganda itong ngumiti, at hayop ang hubog ng katawan nito sa suot na sweater. (pg. 22)

Housekeepers shouldn’t smell that good, isip ni Mason. She smelled like flowers. Mild, delicate flowers. Parang cherryblosooms. (pg. 29)

In-emphasize ng pagkakahiga ng amo ang ganda ng hubog ng katwan nito na nililok sa ganitong kaperpektuhan ng trabaho nito. Naiinggit si Hannah sa sinag ng buwan na humahaplos sa bawat linya ng six-pack abs nito. gusto niyang sundan ang mga linya na iyon, una gamit ang kanyang mga daliri, pagkatapos ay gamit ang kanyang mga labi. Gusto rin niyang marahang hilahin pababa ang kumot para tingnan kung ano ang itinatago nito (pg. 45) 

  • The usual kick of humor in Hannah’s thoughts and dialogues. Typical Elise Estrella’s writing style!
Gaano kahirap lang ba ang mag-vacuum ng carpet habang sa di-kalayuan ay nagbabasa ng diyaryo si Lt. Hotness? (pg. 25)

  • Of course, hindi magpapahuli ang hero na si Mason sa kakuwelahan!
“Diyos ko, Sir! Muntik na akong atakehin sa puso sa’yo!”
Hindi nawala ang pilyong ngisi sa mga labi ni  Mason. “Marunong akong  mag-CPR,” sabi nito. (Pg. 36)

  • As in all MSV Desire imprint, love scenes in the novel are written as hot and titillating as it ought to be! And with taste!
He thrust his tongue inside her mouth, tasted her sweetness, and ignited a stronger, darker craving. She moaned, tilted her head and accepted his dominance. (pg. 62)

MAS MAGANDA SANA ITO KUNG...



  • The novel in its entirety was good. But I must admit, medyo nakulangan ako rito. I can’t help but compare it to the writer’s prevous works like the Sentinel Series...
  • Mas dinagdagan at kinapalan sana ang conflict. Fireman si Mason, at maraming panganib ang kinakaharap ng isang bumbero. Sana nagkaroon ng conflict sa anggulong ito para mas naging maaksyon ang pagiging bumbero ng hero, at mas kumapal ang conflict ng novel.
  • Medyo promiscous din ang heroine sa simula pa lang. Sana nagpaka-Maria Clara siya kahit kaunti... hehe
  • Dinescribe pa sana in details ang mga lugar sa New York na pinasyalan nina Mason at Hannah. Binanggit lang kasi ng writer iyon pero hindi masyadong dinescribe. Sana ipinasyal kami ng writer sa New York by describing the places...
  • Maraming kilig scenes sa novel pero type ko rin na sana marami ring or makapal ang conflict. Kumbaga ang equation ng nobelang ito: Kilig scenes > Conflict.


RATING:  3 STARS      



No comments:

Post a Comment