Friday, February 28, 2014

BOOK REVIEW: Spying On The Supermodel

Photo courtesy of Bookware Publishing Corporation 

TITLE: Spying On The Supermodel
AUTHOR: Mary Santiago
FROM: My Special Valentine
PAGES: 96
RELEASED: 2013


Sa tingin ni Tessa, kabaliwan ang gusto ng kanyang best friend na palihim na bantayan niya ang boyfriend nito habang wala ito sa bansa.

Unang-una, hindi siya naniniwalang tatagal ang bago nitong boylet. Maraming beses na nitong naipagkamaling pag-ibig ang kung anong damdamin nito para sa mga lalaking nakarelasyon. Pangalawa, napakaganda ng kaibigan niya para ma-insecure sa kung sinumang magkakagusto sa modelo nitong nobyo. At pangatlo, wala siyang planong mag-babysit sa kung sino, ano! Kahit pa kasing-guwapo ng Arman na iyon.

Pero nakuha siya sa emotional blackmail ng best friend niya at napapapayag siyang maging secret spy sa buhay ng nobyo nito. Hindi na bale, ilang buwan lang naman. How bad could it get?

But how very wrong Tessa was…


ANG MGA NAGUSTUHAN KO:

  • The title! Ang catchy ng title na parang Koreanovela ang dating. At ang teaser nito, nakakaintriga kaya ko siya binili.
  • Writing style is good. Ang light, madaling sundan, madaling  basahin at intindihin...
  • I like a plot kung saan isa sa mga leads ay artista, supermodel, o sikat na tao. In this novel, Arman Sarte, the hero, is the titular supermodel.
  • Nakakatawa ang heroine na si Tessa Ramirez. Ang dami niyang banat na nakakatawa at  baklang-bakla lang ang pag-iisip niya.
Shirtless ang lalaki sa isang larawan. Tinagurian itong one of the hottest and sexiest men of 2011.
“In fairness, laman-tiyan nga”, she said approvingly. (pg. 9)
  • Hindi rin naman magpapatalo ang hero na si Arman sa kakuwelahan in a subtle way.
“Could you remove that frown on your face? Baka gumana ang makeup remover, try that.” (pg. 33)
  • Hero’s conflict is sort of a heavy drama. It reminds me of the  conflict of Miggy Montenegro in “A  Very Special Love” movie. Second family  kasi si Arman ng tatay niya at hindi siya tanggap ng first family ng ama (like Miggy) to the point na nilalait na ng first family ang pagkatao niya pati ang kundisyon ng ina niya  (his  mother  is schizophrenic). Ikinumpara pa nga ng lola ni Arman na isang pagpup*ta ang pagmomodelo nito ng katawan. Bad trip lang si Lola. Eh sa maganda katawan ng apo niyo ‘eh!  Kitid  ng utak mo, lola. Affected much lang? Haha
  • At si Tessa, kung gaano karami ang kuwela jokes niya, marami rin siyang matinong quotable quotes na puwedeng tumaob sa "You're nothing  but a second rate trying hard copycat" ni Cherie Gil! Tulad lang nito...
Sa  mga nakalatag na kubyertos, tanging kutsara at tinidor lang ang kinuha niya.
“You don’t know  how to  use the other utensils?” pansin ng  babaeng  nasa kaliwa niya.
Napatingin dito si Tessa. “Right. Ang kutsara at tinidor lang naman ang  mapapakinabangan ko sa lahat ng narito.
“Oh, pero knowing how to use proper utensils is  a sign of good breeding.”
“I have to disagree. True breeding  lies beyond proper table manners.” (pg. 41)
Kabog kayo sa huling linya... haha
  • Nakakakilig yung chapter five. Yung uminom sila ng beer sa convenience store. Ang ganda ng naging bonding at  usapan doon nina Tessa at Arman.

MAS MAGANDA SANA ITO KUNG...




  • Hindi nabigyan ng POV (point-of-view) ang hero sa nobelang ito. Sana nabigyan  kahit  saglit lang ng POV si Arman  para alam ng readers  paano siya mag-isip at  mabigyan tayo ng hint kung ano ang feelings niya for Tessa. Kung paano ba magmahal ang  isang supermodel sa isang hamak na babae lamang. Tsaka mas nakakakilig kung gagamitin ang POV ng hero to show romance in a novel.
  • Sa teaser, inasahan ko na ang major conflict ng nobela ay ang guilt feelings ni Tessa kapag nainlove siya sa nobyo ng bestfriend niyang si Rica and in turn magkakalamat ang friendship nila. But then, I was wrong. Na-set aside ang conflict  na ito at nag-surface lang at  the  latter part of the story. Mas challenging  kasi  kung ito ang major conflict... tsaka ayun ang inasahan ko sa teaser...

RATING:  3 STARS    

3 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for your comments! Do you mind if I share your comments in FB? :) Thanks!

      Delete
    2. sure thing ;) Thank you as well

      Delete