Tuesday, February 25, 2014

BOOK REVIEW: Between the Moon And NYC

Photo courtesy of Bookware Publishing Corporation


TITLE: Between The Moon And NYC
AUTHOR: Elise Estrella
FROM: My Special Valentine
PAGES: 96
RELEASED: 2013

Sa hitsura ng bago nilang kasamahan sa NYPD, sa tingin ni Mark, parang mas bagay na pre-school teacher si Abigail Lorenzana kaysa police detective. Hindi na siya nagtaka na ganoon na lang kung pag-usapan ito ng iba niyang katrabaho. At katapat ng sa kanya ang magiging opisina ng dalaga.

Bagaman masaya iyong may magandang babae siyang masisilayan tuwing papasok ng opisina, hindi nakikipagrelasyon si Mark sa mga katrabaho niya. It was a hard and fast personal rule.

But Abigail is just so tempting. At hindi siya santo para ipagtulakan palayo ang tukso na iyon…



ANG MGA NAGUSTUHAN KO:

  • This is the sequel to Love In A New York Minute. At ngayon pa  lang, sasabihin ko na that this sequel is better than the first book! Way better!
  • The cover! Gosh! Markus McKendrick is so gorgeous! Sobrang masculine ng dating niya. Yung may pagka-badboy na nakaka-challenge mahalin! Badass kumbaga.
  • Saktong-sakto sa cover ang description sa kanya ng writer. Ang hot lang talaga ni Mark sa pagkakadescribe sa kanya. And I totally agree (100000%) with the heroine’s description of him.
He looked hard and masculine and dangerous and very, very  sexy. Hindi alam ni Abigail kung paano niya kinaya ang testosterone na kumawala mula sa katawan ni Detective Mckendrick nang hindi hinihimatay o tumutugon bilang babae. Ganoon ang aura ni Mark. Powerful, confident, even arrogant dahil kilala nito ang sarili. (pg. 9)
  • Mas virile, mas masculine ang characteristic ni Mark kaysa sa kapatid niyang si Mason (Love In A New York Minute). Dahil siguro panganay siya? Hehe. And way hotter... in my own opinion.
  • Sexual tension between the leads are build-up instantly at the beginning at naging maganda ang development ng kuwento at kung paano ipinakita ang pagsibol ng romantic feelings nila sa isa’t-isa.
  • The author’s humor and sexy lines combined in a quirky one-liners.
“You want breakfast?” Muli  siyang umiling. “Anong gusto mo?”
“You,” sabi niya na itinuro pa ito. (pg. 88)


  • This time, I like Abigail Lorenzana’s character than that of Hannah (Love In A New York Minute). Hindi  promiscuous si Abigail, bagkus, virgin pa ito. At naging gentleman si Mark nang kunin ng binata ang pagkabirhen niya. Naging  maingat ito sa babae at hindi niya minadali ang dalaga. Detective Markus is such a sweet and sensitive gentleman talaga... nakaka-inlove siya haha.
  • Parehong detective sa NYPD sina Mark at Abigail. At naging conflict din sa kanilang love story ang kani-kanilang hawak na kaso na na-introduce sa simula pa lang ng nobela at hindi ko inaasahan na magiging conflict pala iyon as the story progresses (Surprise!). I like this kind of conflict. Dito ka magagambala kung magkakabati pa ba ang dalawa o tuluyan nang maghihiwalay.

MAS MAGANDA SANA ITO KUNG...


            Hmmm... I really like this novel a lot and I can’t find anything that needs improvement... Ah  yes, there’s one! TYPOGRAPHICAL ERRORS! Lalo na sa last chapter, I found too many typos. The  copyeditor should be extra vigilant on  this angle.

Napansin ko lang kasi sa karamihan ng MSV pocketbooks, ang daming typos! Kaya sana dito mag-improve ang copyeditors  kasi turn-off sa readers ang maraming typo.
Over-all, this book is really a  good read and I recommend you to get your copy as well.


RATING:  5 STARS    

No comments:

Post a Comment