Saturday, March 1, 2014

BOOK REVIEW: The Heart of Paris

Photo courtesy of Bookware Publishing Corporation

TITLE: The Heart of Paris

AUTHOR: Fely Umali

FROM: My Special Valentine

PAGES: 96

RELEASED: 2013


     “Tell me, is Christophe your boyfriend?”
     Kahit iyon ang gusto ni Moonlee na palabasin nitong nakaraang mga linggo sa mga mata ni Paris, ikinagulat pa rin niya ang tanong na iyon ng binata.
     “I don’t think—”
     “Tell me! Is he your boyfriend?” galit na ulit nito.     
     “That’s none of your business!” pasinghal na balik niya.     

     Bakit ba nagkakaganoon ito? Wagas kung ignorahin siya ng kausap sa loob nang mahigit isang buwan na nagkakasama sila, pagkatapos ngayon, bigla na lang itong aakto nang ganito na para bang pinagtaksilan niya ito.      
    
     Pinagmasdan siya ni Paris at gustung-gusto na ni Moonlee na maniwalang kagaya niya, hindi nabago ng sampung taong pagkakahiwalay ang pag-ibig nila…


ANG MGA NAGUSTUHAN KO:


  • The  first meeting of the hero, Paris, and the heroine, Moonlee Leciel. Typical teenage  love story pero ang  lakas ng sipa ng kilig! Lalo na’t sa probinsya naka-set ang kuwento. Lakas lang  maka-summer romance. Parang ang sarap maging teenager ulit at magkaroon ng young love.
  • In  the early  parts of the novel, in-explore ang young love between Paris and Moonlee. Yung tinatago ang relasyon dahil bawal pa... yung  pagsusulatan  ng love letters, pagtetext ng sweet  quotes  at mga lihim na pagkikita. Ang  sarap lang maging teenager! Haha
  • They broke up and after ten years, their paths crossed again. Moonlee became a photographer while Paris became a vocalist of a band. Ganito yung  mga klase ng kuwento na patok pa rin  sa readers... yung tipong “After all this years, I’m still into you.”
  • The conflict enountered in Chapter Eight also adds flavor to this novel. The  conflict between Moonlee and the kontrabida in this  novel, Hannah. Walang sampalan na nangyari  pero may kirot  pa  rin ng sakit  sa puso.
  • Some scenes took place in Paris, especially the  proposal in Eiffel Tower! Ayy, kilig!

MAS MAGANDA SANA ITO KUNG...




  •  Ang bilis ng transition mula pagka-teenager papunta sa pagtanda. Sa sobrang bilis... nabigla ako at nabitin... lalo  na sa pagpapaliwanag  ng writer bakit  nag-break sina Paris at Moonlee noon. Ni-narrate  lang ng writer in one  short paragraph ang rason ng  break-up then it jumped suddenly  to ten years after.
  • Yung  break-up, mas  maganda sana kung ipinakita ito kaysa ni-narrate  (Showing  vs. Telling). Nakakabitin  kasi talaga.
  • Or... sana, ginawang parang It Takes A  Man And A Woman ang dating, yung  tipong magtataka ka, bakit nag-break sina Moonlee at Paris gayong okay naman sila before? Tapos as the  novel progresses, marereveal ang dahilan  ng  break-up  at  eventually, magkakabalikan.
  • More on Showing vs. Telling, and daming narration sa nobelang ito kaysa dialogue. Mas  makikita sana ang intimacy between Paris at Moonlee sa pagpapalitan nila ng dialogues  kaysa sa narration.

RATING:  2 STARS    

No comments:

Post a Comment