Saturday, March 15, 2014

BOOK REVIEW: Falling For The Wrong Guy


TITLE: Falling For The Wrong Guy
AUTHOR: Fraeraine
FROM: Bookware Publishing Corporation
IMPRINT: Pink & Purple
PAGES: 128
RELEASED: 2014

Nag-palpitate ang puso ni Yssa nang makita ang bago niyang kapitbahay. Pero natigil ang paghanga niya nang magsimula itong magsalita. Aba’t kaguwapo nga, antipatiko naman.

Still, hindi niya mapigilan ang pagsilaw ng kanyang imagination tungkol dito, lalo na’t panay ang display ni Red ng machong katawan sa tapat ng kanyang bintana...




ANG MGA NAGUSTUHAN KO...

  •          Pink & Purple is the newest imprint  offering  from Bookware Publishing Corporation. It targets young adults. Kaya dahil dito, ang light basahin ng nobela. Kumbaga, feel-good lang ito,  na pag  natapos mong basahin, mapapangiti  ka  lang dahil hindi kabigatan ang conflict.
  •     It says on the back cover that this was first published in a website called Wattpad. So I want to say congratulations to the creator of this work for her work is now a certified published book.

  •          Red (the hero) is a vocalist of a band. I love stories that revolves around a band. Ang ganda rin na nasabi sa  nobela kung paano nabuo ang bandang Resbrizs Disorder. Para silang totoong   banda dahil sa backstory nila.

  •         Ang cute naman kung kiligin si Yssa (the heroine). Dahil isa itong romance writer kaya malikot din kung  mag-isip ito lalo na kung kinikilig.

At habang nakikipagtitigan siya rito, ang pakiwari niya’y lumipat na sa kanyang lalamunan ang puso niya. Anong klaseng mahika ba kasi meron ang  lalaking ito at pati puso niya’y  nagawa nitong i-relocate?  (pg. 85)

  •          Best chapter para sa akin ang Chapter Eight, kung saan inamin ni Red ang nadarama para kay Yssa. Nakakakilig yung  line niya, as in! Haha.

“Papa’no  mo nasasabing mahal mo ako gayong wala ka naman yatang ibang misyon sa  buhay kundi asarin ako?” ani Yssa nang makabawi sa napaka-shocking nitong revelation.
                “Parte na nga siguro iyon ng pagmamahal ko sa’yo, ang asarin ka. Iyon nga siguro ang dahilan kung bakit gustong-gusto kitang iniinis, kasi nakakahiya mang aminin, iyon lang ang  tanging paraang alam kong mapansin mo ako,” punong-puno ng damdaming wika ni Red. (pg. 84-85)

  •          The ending is so touching. Doon ko rin nagustuhan ang character ni Skye, isa sa mga kabanda ni Red na  nagkagusto rin kay Yssa.

Alam ni Red na mahal pa rin ni Skye si Yssa, nararamdaman niya, nakikita niya sa mga mata nito. At saludo siya sa ginawa  nitong pagpaparaya.  (pg. 128)


MAS MAGANDA SANA ITO KUNG...
  •          Basing the description at circumstances nila sa story, both the hero and the heroine are in their early 20s. Pero parang ang bata nila kung umasta at mag-isip. Parang college or teenager. Sana pina-mature ang actions ng mga characters at binigyan  ng kaunting  depth.
  •          I find this scene confusing as well..

Haba ng hair mo, teh! naisip niya. Parang hindi kasi siya makapaniwalang pinag-aagawan siya nina Red at Skye. Ganito pala ang pakiramdam, hindi naman pala  masaya. (pg. 90)

 Hindi raw masaya  ang pinag-aagawan siya pero nagawa pang isipin ni Yssa na ang haba ng  hair  niya. Hehe.

  •          Feeling ko lang, mas na-build up si Skye nung  simula ng kuwento at talagang  naisip ko na  baka ito talaga ang love team ni Yssa. Lately lang mas pinakitang si Red ang magiging hero sa book na ito. Sana  sa simula pa lang, mas ginawang hero material si Red.


  •         The cover. Maganda ang  pagkaka-drawing. Lakas maka-Anime. Kaya  lang sabi sa book, maskulado si Red, pero ang  payat niya sa drawing.


RATING:  3 STARS    ★ ☆ 

No comments:

Post a Comment