Thursday, March 13, 2014

BOOK REVIEW: Kindled Hearts


TITLE: Kindled Hearts - Code Red (Book 4 of 4)
AUTHOR: Doreen Laroya
FROM: My Special Valentine
PAGES: 96
RELEASED: 2012

      “You can’t deny what happened between us that night, Prudence!” galit na singhal ni Yael.
                “H-hindi ba natin puwedeng kalimutan na lang ang nangyari? It was an accident, anyway,” rason niya.
                “Aksidente?” Parang gusto nitong matawa. “Kung nagtalik ang dalawang tao at pareho silang aware sa ginagawa nila, hindi iyon matatawag na aksidente… especially if they both enjoyed it!”
                Napapiksi siya. “Okay! So I admit na ginusto ko rin iyon! What else do you want? Why are you making a big deal out of it?”
                Sigurado siyang hindi simpleng attraction lamang ang nararamdaman niya rito, pero ano ba ang inaasahan niya kay Yael? Marriage? Hindi ito ang tipo na mag-aalok ng kasal dahil lang naging physically intimate sila. The most that he can offer her is an affair. At hindi siya handa para roon…



ANG MGA NAGUSTUHAN KO…

  •  The cover! Wow. Ang hot lang ni Yael Echevarria (the hero) sa cover. Basing my judgment, palagay ko ang peg ni Yael ay si Markki Stroem who is one of my local showbiz crushes.
  • The  suspense-feel ng Prologue. Simula pa lang, iisipin mong may pagka-thriller o crime novel ang nobelang ito.
  • I like how the author introduced the lifestyle of Yael through the POV of the heroine, Prudence. Na-assign si Prudence na isang writer sa isang magazine na mag-research tungkol sa mga bumbero. Firefighter si Yael at nagkataong  may sunog na nirespondehan ang binata nang puntahan ito ng dalaga. Nilarawan ang buhay  ng bumbero mula sa pagpatay ng apoy, pag-iinspeksyon ng  mga gusali kung alinsunod ba ito sa atas ng Bureua of Fire Protection, at pagsasagawa ng community fire drill sa mga gustong maging volunteer na maging bumbero.
  • Dahil bumbero si Yael, perfect ang title ng nobela. Pati ang flame of desire na nadarama ng hero at heroine sa isa’t-isa.
  • The way Prudence called Yael “Mr. Hotshot.. :) Hot nga naman kasi ang bumbero.
  • The way Prudence described Yael’s physical appearance on the first few chapters is filled with subtle desire.
  • The suspense-filled events in the middle of the novel hanggang sa nalalapit nitong ending. Ang daming misteryosong  kaganapan ang nangyayari na pupukawin ang takot  mo at pag-aalala kung bakit ganoon ang nangyayari at  sino ang may kagagawan. It reminded me of Martha Cecilia’s novels.

Bigla siyang napatalikod nang hubarin din nito ang t-shirt na basa ng pawis. Kahit natutukso siyang silipin ang katawan nito, nahihiya siyang baka mahuli siya ng binata.
“What makes you think na binata pa ako?”

 Noon lang siya tumingin dito. Isang puting sando ang ipinalit nito sa navy blue t-shirt.
Namumutok sa  hard muscles ang mga braso  nito. Not the kind of body that builders have. His makes him sexier. (pg. 13)


MAS MAGANDA SANA ITO KUNG...


  • Medyo naguluhan lang ako sa paraan ng  pagkakakuwento. Sa Prologue kasi, ang bigat ng pagkakakuwento dahil nga  ipinapadama ng writer na suspense ang itatakbo ng kuwento. Come Chapters 1-3, naging sobrang light naman ng storytelling. Tapos bumalik sa pagiging suspense ang story-telling from Chapter 4 – onwards. For me, hindi smooth ang transition ng paraan ng story-telling. Sana naging consistent ang writer na mapanatiling suspense ang dating ng nobela in its entirety.
  • Madali kong nahulaan ang salarin sa nobela no matter how the writer tried to disguise it. The writer should made more effort to hide the identity of the killer and reveal it at the right time. (Or dahil nasanay lang ako sa pagbabasa ng ibang crime novels kaya naging madali sa aking hulaan ang salarin sa nobelang ito?  I don’t know).



RATING:  3 STARS    ★ ☆ 


No comments:

Post a Comment