Saturday, March 8, 2014

BOOK REVIEW: Rockstar Next Door


TITLE: Rockstar Next Door
AUTHOR: Helene Del Mundo
FROM: My Special Valentine
PAGES: 96
RELEASED: 2013

       Cliché na kung cliché, pero iyon talaga si Tara Madrigal: isang nobelistang may writer’s block. Kulang dalawang buwan na siyang nagpipilit na may matapos na nobela at kaunti na lang ay masasaid na ang budget niya. May dalawa pa naman siyang kapatid na pinapaaral at kailangan ng tulong ng single parent niyang nanay. Kaunting-kaunti na lang tatanggap na siya ng labada, o kaya maghahanap ng sugar daddy.
             Mabuti na lang, to the rescue ang kapitbahay niyang si Chris Ibañez. Masyado pa itong bata para maging sugar daddy niya, pero willing naman itong tulungan siya. Iha-hire siya ng kanyang seksing kapitbahay bilang ‘tagataboy’ ng mga babaeng nahuhumaling dito.



ANG MGA NAGUSTUHAN KO...
  •          The progression of the romantic feelings between the hero, Chris Ibañez, and the heroine, Tara Madrigal. Sakto ang pacing ng pagka-develop nila sa isa’t-isa. Nagsimula sa pagkakaibigan, getting-to-know-stage, hangga’t di namamalayan ni Tara na nadedevelop na pala siya kay Chris.

  •          Moreover sa point ko sa itaas, maganda ang timing ng development ng romantic story between the leads. Madalas kasi sa mga nababasa kong Tagalog romance novel (maging sa American, British, or Australian romance novels na rin), first chapter pa lang, in-love na agad sa isa’t-isa yung hero at heroine. This novel is not like that. Talagang realistic ang pacing ng development nina Chris at Tara.

  •          Makulit na hero si Chris. Talagang na-flesh out ng writer yung pagkatao ni Chris sa nobelang ito at sa pagbabasa ko, hindi na lang basta character sa akin si Chris kundi isang totoong tao. He’s a perfect hero in a sense na puwede siyang mag-exist in real world or may kakilala kang isang taong katulad ng klase ni Chris. Mukhang happy-go-lucky pero responsable pala  at  maraming nalalaman gawin at matalino, may pagka-bad boy ang itsura at devil-may-care look ang getup pero may soft side din at hindi mayabang. He is a true gentleman.

  •          Base sa cover, I guess ang peg ng writer sa itsura ni Chris Ibanez ay si Chris Evans na ginawang Pilipino... hehe.

  •          Maganda ang backstory at personal issues nina Tara at Chris, na nagamit nang husto sa conflict ng story.

  •          The problems faced by romance writers in writing are tackled here through the character of Tara. Now I know na mahirap talaga maging writer.

  •          Yung laging pangangantiyaw ni Chris kay Tara na baka nadedevelop  na ang dalaga sa binata... ang cute lang  at nakakatawa. Pati yung batuhan nila ng mga linya, ang witty!

Minemorya  ng isip niya ang firm muscles ng likod, braso, at ang kurba bago sa maumbok na puwitan nito.
Muntik na siyang mapatili nang marinig ang tila inaantok pa nitong boses. “Oy, Dora, stop objectifying me!”
“A-ang kapal mo, hindi kita ino-objectify, ‘noh!”
“Kung  gusto mo, dito ka na lang sa tabi ko magsulat, walang problema sa akin. Para ma-describe mo ‘ko sa nobela mo nang maayos.” (pg. 56) 

  •          Yung paraan na pagnasaan ni Tara si Chris, I don’t find it “bastusin”. Naging maingat ang writer na maging virginal ang image ni Tara... Creative pa nga kung pagnasaan ni Tara si Chris... tulad ng mga ito...

Sasagot sana siya nang mapagmasdan niya ang lalaki na noon ay nakadapa sa sofa at nagbubuklat  ng libro. Sa puwesto nitong iyon, muli niyang namataan ang magandang kurba ng likod nito hanggang sa pang-upo. Dahil muscle cut ang sleeves ng suot nito ay nakalitaw ang mga braso at biceps ng binata. May suot din itong reading glasses.
Bumilis ang  pulso niya. Inayos niya ang pagkaka-clamp ng  buhok. Bakit parang uminit yata? Shucks...
Sa hitsura ni Chris, perfect itong maging advertisement model para sa pagbabasa. Tapos ang magiging tagline ay ‘Smart is the new sexy’ or ‘Reading is sexy.’ (pg. 33)

He was drop-dead, ridiculously gorgeous man, to be completely blunt about it. Maaaring ang  personality nito ay malayo sa gusto niya, pero  physically? Kung marunong lang siyang sumipol, baka nagawa na niya iyon kanina pa. (pg. 55)

  •           Nasa  tamang timing din ang love scene between Chris and Tara. Swak sa  mga kaganapan sa story at sa maturity ng feelings nila sa isa’t-isa ang pasok ng love scene sa nobela. Yung iba kasing novels na nababasa ko, minsan parang off yung LS kasi sa palagay ko, wala pang masyadong emotional investment between the  leads. But in this novel, LS are justified and are written in a hot yet classy way. 

“Are you sure alam mo kung ano’ng hinihingi sa ‘kin ng mga mata mo, Tara?” untag nito sa nanginginig na boses.
Walang alinlangang tumango siya. Hindi na siya nag-isip dahil alam niyang kokontrahin lang ng utak niya ang isinisigaw ng kanyang puso.
Idinikit nito ang mga labi sa labi niya saka ibinulong, “Say it, Tamara...”
Napahingal siya. “Yes. Yes, please.” (pg 70-71)

He growled, as gently possessed her. “Hold me, Tamara. Hold me...”
She bit her lip as she felt pleasure ascend and ascend inside her, as they continued to move in unison in great and consuming passion. She cried out when she reached the height of pleasure.
                “Again, Baby, again,” he groaned and resumed thrusting into her. His hands were on her thighs lifting her to him, their bodies pressing against each other intimately.
                He looked  so  hot, wild, and virile above her when he closed his eyes, her name on his lips, rapture taking over his whole being. And she, too, came at the sight of it. (pg. 74)


MAS MAGANDA SANA ITO KUNG...
  •         Yung  issue ni Tara sa father niya, it was only narrated and not shown. Mas maganda sana kahit  kaunting scene ay  pinakita kung paano sila nagkaayos. But I guess due to limited  number of pages, kailangan talagang  i-condense ang eksenang ito.

  •          Sana ginawa na lang na MSV Premium! Nabitin ako eh... hehe

       RATING:  5 STARS   ★ ★ 

No comments:

Post a Comment