Tuesday, March 4, 2014

BOOK REVIEW: Made in Vigan


TITLE: Made In Vigan
AUTHOR: Venice Del Valle
FROM: My Special Valentine
PAGES: 96
RELEASED: 2011

Gusto lang naman ni Althea na maging masaya ang old maid niyang tiyahin, kung kaya gagayumahin sana niya ang biyudong kapitbahay na nahulaan niyang gusto ng tita niya. Kaso aksidenteng nainom ni Carlos—ang binatang anak ng target niya—ang gayuma, siya tuloy ang pinupursigi nitong ligawan. Sa totoo lang, sa isang linggong pinagsamahan nila roon sa Vigan, naging palagay na ang loob niya sa lalaki. Actually, it was more than that. Mukhang nahulog ang loob niya rito.
Pero hindi yata kaya ng pride niya na tanggaping minahal siya nito dahil lang sa gayuma. At kung totoong mabisa ang gayuma gaya ng nabasa niya, dalawang linggo lamang ang bibilangin at aalukin na siya ng kasal ni Carlos
 Kailangan niyang makagawa kaagad ng antidote!


ANG MGA NAGUSTUHAN KO...
  •          As a travel-enthusiast, nagustuhan ko ang pagkaka-describe ng writer sa iba’t-ibang lugar sa Vigan, the feel of the place especially the famous street in Vigan, the Calle Crisologo. Detailed kung detailed. I’ve been to Vigan at na-reminisce ang memories ng trip ko sa naturang lugar while reading this.
  •          Ang ganda rin ng historical background ng Tabacalera Castillo, ang tobacco business ng ninuno ng heroine na si Althea. Parang totoong may ganoon ngang establishment na nag-eexist sa Vigan sa paraan ng pagkakakuwento ng writer.
  •           Nagamit  din ang iba’t-ibang lugar sa Vigan para mag-move forward ang romance between Althea and Carlos, the hero.
  •          Nakakatawa rin nang bongga si Althea sa mga pinagagagawa niya makabuo lang ng gayuma (pati na rin ng antidote para rito).
  •          Writing is fluid. Ang linaw basahin at madaling intindihin.


 MAS  MAGANDA SANA ITO KUNG...
  •          As stated in the teaser, aksidente raw na nainom ni Carlos ang gayuma na para sana sa ama nito. At ayaw ni Althea na mahalin siya ng lalaki dahil sa gayuma. That’s the main conflict of this book. Pero agad na ni-reveal ng writer na alam ni Carlos na gayuma iyon. Mas maganda sana kung inilihim muna ng writer ito para ma-appreciate ng readers ang dilemma naman ni Althea kung paano makakagawa ng antidote sa gayuma. Tsaka konting suspense.
RATING:  4 STARS    ★★☆

No comments:

Post a Comment