Sunday, March 16, 2014

BOOK REVIEW: My OTP


TITLE: My OTP
AUTHOR: Jade Anne Franco
FROM: Bookware Publishing Corporation
IMPRINT: Pink & Purple
PAGES: 128
RELEASED: 2014


Popular dahil sa kanyang beauty and brains, dapat lang na isang kagaya ni Daniel Toledo na guwapo, mayaman, at galing sa mahusay na pamilya ang makatuluyan ni Kimberly Linnea. OTP talaga sila.

Kaso panira ng eksena ang schoolmate nilang si Joshua Arcenas. Kung kailan papa-sweet na ang eksena, saka ito biglang susulpot. Nababawasan tuloy ang kilig niya at napapalitan ng pagkaimbiyerna sa lalaki.

A little accident leads Kimmy to know the real, and a lot more adorable Joshua... and then, confusion sets in.


ANG MGA NAGUSTUHAN KO...

  •          It’s a college love story! Napaka-nostalgic para sa akin na basahin ito at bumalik sa alaala ko ang buhay college ko. Lakas lang maka-bata ng kuwentong  ito.


  •          While reading  this book, I was strongly reminded of the TV series Princess And  I ng Kathniel. And I am also strongly reminded of Daniel Padilla’s character in the said TV series to that of the hero’s personality and aura, Joshua. Tapos, yung other guy na si Daniel, parang si Enrique Gil naman  dahil sa ubod nitong  kabaitan... haha.


  •          The conflict in this novel for me is deep and dramatic, but it was written in a light manner and a feel-good ambiance. Ito yung  nobelang akala mo mababaw lang at typical college  love story pero kung babasahing maigi, mari-realize mong may bigat at kurot ang conflict.


  •          Alam mo yung  kahit hindi sabihin ni Kimberly (the heroine) na kinikilig siya, dama mo yung kilig niya  through her reactions. At hindi mo rin  maiiwasang  kiligin ka lalo na pag nagkakalapit sila ni  Joshua.


  •          Favorite scene ko yung “amuyan scene”, kung saan nagsimulang magulantang si Kimberly  sa nadarama niya between Joshua and Daniel.


There was a different scent that suddenly took over the car. A brusque manly  scent, the kind that would make any girl want  to sniff  it more. Suminghot-singhot  siya, hinahanap  ang mabining  amoy ni Daniel na  kanina ay  langhap na langhap niya. Pero wala na iyon ngayon. The new scent was too powerful. It was a very comforting and protective scent. Somewhat sexy, too. Even a little sweet. Basta!                Pasimple siyang umusod palapit  kay Joshua. She wanted to confirm that  the beautiful scent  was coming from him. hindi niya namamalayang masyado na siyang nakasandal sa balikat nito, reveling on his scent.                Kunot-noong  sinalubong  ni Joshua  ang kanyang tingin, waring takang-taka sa nangyayari bago pabulong na nagsalita, “Inaamoy mo ba ako?” (pg. 22-23)

  •          Dahil gustong  palabasin ng  writer na mysterious ang  character ni Joshua, walang POV rito ang  hero. Pero magkagayunman, unti-unting nakilala ng readers si Joshua dahil sa perception ni Kimmy rito. At times, magugulat ka na ganun  pala si  Joshua na sa  unang  part ng nobela, hindi mo aakalaing  ganun ang personality  niya. Magaling magtago ng details ang  writer at  na-rereveal ito at  the right moment.


  •          Maganda at tama lang ang pacing ng development  ng romantic feelings  between Joshua and  Kimberly. Yung nagsimula sa inis na  inis si Kimberly sa lalaki,  pero hindi niya namamalayang  may  namumuo na siyang feelings para  rito na pinipigilan niya lang... swak lang ang pacing ng  kuwento.


  •          Tumulo ang luha ko, literally, nung malapit nang mag-ending... lalo na nung tinapos  ni Kimmy ang namumuo nilang  pagtitinginan ni Joshua para na rin sa kapakanan ng lalaki. Pinalabas kasi ni  Kimmy na  kaya nito tinatapos ang ugnayan  nila ay dahil mas  pinipili nito si Daniel, when in fact, ang kapakanan pala ni Joshua ang iniisip nito. To  find out what’s the deeper  reason  behind this, better read  the book. I don’t want to be  a spoiler! :P


  •          One  of the best works of Jade Anne Franco. I read  some of her  works under MSV Desire and they are all great. This novel of hers is different dahil young adult ang target audience nito  but still her talent in good writing did not falter on this light novel .


  •          I can’t put this book down! I  finished it in an hour and reread  it.

  •     At ano ang ibig sabihin ng OTP?! Well, better read this easy-to-read and heartwarming book to find out.



MAS  MAGUGUSTUHAN KO ITO KUNG...
  •          Dahil nga mas madalas ay  MSV Desire ang  mga sinusulat ni Jade Anne Franco, may mga ilang linya rito na sa batid ko ay may bakas ng  Desire imprint.  Tulad  nito...


Napalunok siya. Lahat halos ay ‘Kimmy’ ang tawag sa  kanya pero may kakaiba sa pagsambit ng lalaki sa kanyang palayaw. It was tender. And she didn’t mean it in  a sexy way. It was affectionate--  na parang isang maliit na  bata ang binabanggit. (pg. 34)

Ang  magaspang  nitong kamay na ngayon ay nasa likod ng kanyang palad ay walang babalang nagbigay ng pisikal na init sa buo niyang katawan. Not the perverted warmth but the warmth one would  feel when feeling secure in every aspect of one’s existence. (pg.56)

Ang  mga  naka-strikethrough na mga salita ang palagay ko na bakas ng Desire na okay sana kung  in-omit  na lang given  na ang main audience  nito ay young adult. Pero I have nothing  against  naman for using  these  lines in this novel at hindi naman iyon nakabawas ng kagandahan sa nobela.

  •          Sana magkaroon ng sariling book si Tracey, ang bestfriend ni Kim. May hint kasi na may ka-love  team ito mula  sa ibang campus.


RATING:  5 STARS    ★★ 


No comments:

Post a Comment