Friday, March 7, 2014

BOOK REVIEW: Heart Trekking


TITLE: Heart Trekking
AUTHOR: Jean Mae Oryza
FROM: My Special Valentine
PAGES: 96
RELEASED: 2009

 Ayon sa kuwento ng matatanda, may hiwaga raw na bumabalot sa bundok ng Mount Kanlaon. May unicorn daw na nagtatago roon at susuwertehin umano ang taong makakakita sa mailap na hayop.
     Misyon ni Claire na hanapin iyon upang maambunan ng suwerte ang minamalas niyang career at love life. Nagkrus ang landas nila ni Lander na noon pa ay fascinated na sa mystical mountain. Unang kita pa lang dito ay crush na niya ang binata kaagad. Kaso mukhang bad shot sa lalaki ang gaya niyang frank and liberated dahil sa mga karanasan nito sa mga ganoong babae.
     Puwes, patutunayan niyang ang gawain ni Pedra ay hindi gawain ni Juana. Baon ang lakas ng loob, Claire started trekking toward Lander’s elusive heart…


ANG MGA NAGUSTUHAN KO...
  • I admire the personality of the heroine, Claire Candelaria, in this novel. She is witty, strong-willed, and with sense of humor na talagang matatawa ka. Ang ganda ng chemistry nila ng kaibigan niyang bading na si Art kapag nag-uusap ang dalawa. Matatawa ka na lang.
  • I imagine the looks of Lander, the hero, as a boy-next-door type with an adventurous spirit. Ito yung mga tipo ng hero na gusto ko sa mga Tagalog novels. Gusto ko rin yung pagiging mysterious at suplado effect niya kay Claire sa simula. Ito yung tipo ng mga hero na parang puzzle na ang hirap pero masayang i-solve.
  • Direct to the point din si Claire. Umaamin siya sa isang guy kapag gusto niya ito. Malas lang niya, lagi siyang  naba-basted. How sad. I guess relatable ang character ni Claire kaya maraming mga reader ang matutuwa sa character niya.
  • Puno ng katatawanan at kakuwelahan ang nobela.  Ang likot lang talaga mag-isip ni Claire. Her quirky thoughts made this novel fun to read.
  • Ang pinakagusto ko at pinakanakakatawang scene dito ay nung umamin si Claire ng feelings niya kay Lander.
“O ba’t natahimik ka na?” nakatawang tanong ni Lander.
“I love you.”
Sabay silang nagulat. What the--! Tama nga ba ang rinig niya sa sinabi niya?
Biglang nawala ang ngiti ng lalaki sa mga labi. Si Claire ay parang maiihi sa pagkapahiya.
Shucks! She did it again! (pg. 60)

                Binasted ba siya ni Lander?  Well... better read this book to find out!

  • Ang kwela line naman na nakarelate ako (at malamang kayo rin) nang bongga na minsan ay malamang  naisip niyo na rin sa sarili ninyo...
Sa dinami-dami ng babaeng nandito sa bayan, bakit sa isang babaeng hindi naman kagandahan lumapit ang grupo? Sa madaling salita, bakit hindi lumapit sa kanya ang mga ito? (pg. 18)


MAS MAGANDA SANA ITO KUNG...
  • I just really love this novel! The quirks, the scenes, and I couldn’t say anything that needs improvement.
  • Siguro sana kinapalan pa ang nobela? Haha. Nabitin ako.

RATING:  5 STARS    ★★ 

No comments:

Post a Comment