Thursday, March 6, 2014

BOOK REVIEW: Love And Marriage

Photo courtesy of Bookware Publishing Corporation

TITLE: Love And Marriage
AUTHOR: Sasha Suarez
FROM: My Special Valentine
PAGES: 96
RELEASED: 2011

     “There’s only one thing in my mind right now…” mahinang sabi ni Ryan habang ibinababa ang mukha sa kanya.
     Angela, this is not right! paalala ng kanyang isip.
     Pero ano ba ang hindi tama? All was perfect in the situation. The stars, the moon, the breeze of the midnight air, the sound of the ocean and the magical moment. Matagal na niyang hinihintay ang pagkakataon na ito na makita siya ni Ryan bilang isang babae at hindi bilang isang nakababatang kapatid.
     Bumaba ang mukha nito at nagsalo sila sa isang mainit na halik sa ilalim ng liwanag ng buwan. It felt so right to be in his arms. To be kissed by him… parang iyong isang panaginip na nagkatotoo.
     Nang gabing iyon, she freely let the passion consumed them both. Little did she know that this would make their lives a lot complicated…






ANG MGA NAGUSTUHAN KO...

  • This novel deals with unexpected pregnancy borne out of the so-called ‘one-night stand’ between the hero, Ryan, and the heroine, Angela.
  • Na-simplehan ako sa conflict pero as I was reading this, na-enlighten ako na talaga palang kumplikado ang mga dinadanas ng mga single mother or yung mga nagdalantao nang di inaasahan lalo pa’t di nila asawa o kasintahan ang nakabuntis sa kanila.
  • Sa nobela, mas maraming hesitations si Ryan kaysa kay Angela. Although hindi naman tinalikuran ni Ryan ang responsibility kay Angela at sa magiging anak nila which is a good thing, maraming kailangang i-set aside si Ryan na priorities like his career as an animator upang mapanindigan ang pagiging ama sa anak nila ni Angela. That is the turning point of this novel na napaisip ako kung  isusuko na ba ni Ryan ang responsibilidad kay Angela.
  • I like the ending! Sorry to spoil you who haven’t read the novel yet,  but,  the novel ends on a good note. Especially the last line, napa-awww na lang ako sa sobrang ganda.
A child was truly a blessing.  (pg. 96)

MAS  MAGUGUSTUHAN KO SANA  ITO KUNG...

  • Hmmm... more on  sa character ni Ryan. Ang naging dating sa akin ng character niya is parang minahal niya lang si Angela for the sake of the baby. At first kasi, parang ang naging drive niya is to stay with Angela for the baby and not for love. Pero dahil kasal na sila, I guess genuine na sana ang love ni Ryan for Angela. ;)
  • Sana sa first chapter, binigyan ng kaunting POV si Ryan na may secret feelings din siya kay Angela.

RATING: 3 STARS    ★ ☆ ☆

No comments:

Post a Comment