Wednesday, March 12, 2014

BOOK REVIEW: Memories of Israel

Photo courtesy of Bookware Publishing Corporation
TITLE: Memories Of Israel

AUTHOR: Edith Joaquin
FROM: My Special Valentine
PAGES: 96
RELEASED: 2013

                “You are dealing with terrorists!” Natahimik si Ephraim nang malaman ang dahilan kung bakit bihag niya ito ngayon.
                “Mariam, you know me better than this. Wala akong alam sa sinasabi mo,” anito mayamaya.
                 “Kailangan mong maintindihan, Ephraim.” Tumitig siya sa mga mata nito. “My job is to eradicate enemy forces that threaten my homeland at all costs. Pangalawa, hindi ko sigurado kung kilala talaga kita. Hindi ko alam kung ano ka sa labas ng panahong nakasama kita sa Israel. Madaling magpanggap.”
                Kitang-kita niya ang pagguhit ng sakit at pait sa mga mata ng binata. “Tama ka nga. Hindi tayo magkakilala.”
                 His voice sounded resigned, and a huge part of her heart ached and bled for the only man she ever loved…





ANG MGA NAGUSTUHAN KO...

  •         The setting. Kaunti lang ang alam ko sa Israel except na doon matatagpuan ang Holy Land. I was curious kung paano iikot ang isang romance story sa Israel.

  •         I was shocked with what I found out. Grabe pala ang political unrest sa Israel six years ago base sa nobela. There was war and chaos in that country. Maraming sibilyan ang pinapatay na lang basta. The novel started in a violent setting.

  •         Love in time of war ang naging dating o ambiance ng nobelang ito para sa akin sa first few chapters dahil sa kalagitnaan ng giyera nagkakilala sina Ephraim Ruiz (the hero), at si Mariam Levitt  (the heroine).

  •         I like the characteristic of  Ephraim as a skilled doctor. He is a doctor, volunteer workers ng samahang MSF na involved sa mga medical mission sa mga lugar na tila pinabayaan na ng Diyos dahil sa matinding kahirapan. He did everything to save the life of Mariam’s brother nang mabaril ito. Kaya, it’s inevitable na ma-inlove nang husto si Mariam kay Ephraim kahit nasa kalagitnaan sila ng giyera. Sinong babae ang hindi mai-inlove sa doktor na bukod sa magaling, pogi pa?

  •          The transition of Mariam from a simple lass to a skilled Mossad military secret agent is a revelation! Ang ganda pa ng backstory ni Mariam kung bakit naging ganoon ang kinahinatnan niya after six years.

  •         Yung unang chapter kung saan may di-kilalang babae ang tila nang-aakit kay Ephraim sa gitna ng dilim. Ang lakas lang maka-James Bond movie or any American action movies na laging madalas ganoon ang intro.

  •         The conflict posed in Chapter Eight caught my most utmost attention. Yun bang  nabahala ako kung magkakatuluyan pa ba sina Ephraim at Mariam gayong malapit nang matapos ang nobela pero may ganon pang kalalim na conflict?


“Look at it this way.” Hinaplos nito ang luhaan niyang mukha.  “We can try. Wala namang pipigil sa atin sa gusto natin. Pero sa trabaho ko... sa trabaho mo... Saan tayo magtatagpo? Paano tayo magsasama? Mauuwi lang tayong parating naghahanap. Eventually, magiging dahilan ang trabaho natin para pagsimulan ng away natin. Mahal mo ang MSF. May katungkulan ako bilang Mossad agent. We love each other  pero paano kung hindi na sapat iyon?(pg. 84)


MAS MAGUGUSTUHAN KO SANA ITO KUNG...

  •         I was expecting na maraming moments together ang mga bida sa Israel. But as the title says, mga alaala lang nila sa bansang Israel ang mga kaganapan sa bansang iyon. Most part of the story happened in the Philippines. Sana nagkaroon sila ng pagkakataong lumibot sa Holy Land kahit saglit lang. Hehe.

  •         Medyo nakulangan din ako sa build-up ng romance between Ephraim and Mariam. Parang ang bilis lang nila magka-developan. It was presented in a flashback pa. Mas maganda sana kung hindi ito ginawang flashback. Sana ginawa na lang itong first chapter tapos yung present time events yung succeeding chapters. At sana medyo pinahaba pa ang romance between the two characters bago sila naghiwalay ng landas sa unang pagkakataon  (kung saan tutungo si Ephraim sa Iraq).

  •         Dinagdagan pa sana ng kilig scenes! Hehe. Para kasing most of the plot ay kinain lang ng  formal  technicalities ng misyon ni Mariam sa Mossad kaya nito binihag si Ephraim. Panaka-naka lang ang romance  o ang intimacy between the hero and the heroine. Madalas kasi eh soliloquy o puro thoughts lang ni Mariam about her feelings for Ephraim ang inilalahad sa nobela pero kaunti ang intimacy between her and Ephraim.


RATING:  3 STARS    ★ ☆ 

1 comment:

  1. Maraming salamat sa panahon at sa effort ng pagbabasa pati na ng pag-post ng review na ito. Alam mo ba ikaw pa lang ang totohanang nakapag-post ng review ng kahit isa sa mga libro ko? May mga nagko-comment sa FB tsaka sa blog ko pero iba pa din 'yung effort tulad ng ginawa mong ito.

    Well noted ang mga comments, gets kita. Nabitin din kasi ako. Hehe! Sana pala ginawa ko itong Premium para mas mahaba. Hayaan mo, may kasunod akong ginagawa para sa Romancing the Globe, sana mas mapanagutan ko 'yung binanggit mong points.

    Salamat ulit! At sana 'wag ka magsawa. :)

    ReplyDelete